May 2012
89 posts
April 2012
25 posts
- how i wish i can turn my wounds into wisdom right now. ammm... still thinking on how to finish the "Unfinished". o_O
uy… gising ka pa po ba?
kausapin mo naman po muna ko oh. galit kana ba sakin? sorry na. pwede bang abalahin ka pa rin kahit na hindi ako mabait? pwede bang kausapin mo pa rin ako kahit na masama ang ugali ko? pwede bang pakinggan mo yung side ko kahit alam kong alam mo na ako yung mali?
pasensya na po. ang sakit lang talaga eh… ang sakit sakit sakit… nakakapagod na po. pwede po bang wala na lang akong maalala bukas? pwede po bang wala na lang akong alam… o di kaya mawala na lang akong bigla? pwede po ba yun? pagod na po kasi talaga ako. alam ko naman pong ako yung may kasalanan… alam ko rin pong hindi na po kita dapat tinatanong kasi alam ko naman yung sagot. ayoko lang gawin. ansama ko po noh?
pero bakit love mo pa rin ako? bakit pinili mo pang mamatay para sakin? bakit ganyan ka? bakit pinapakinggan mo pa rin ako kahit hindi naman kita sinusunod madalas? bakit lagi ka pa ring nandyan para sakin? martir ka ba talaga? bakit mas pinipili mo pang masaktan kesa pabayaan na lang ako? bakit ganun mo ko kamahal eh puro pasakit at sama ng loob lang naman yung binibigay ko sayo? nakakainis na tuloy…
alam mo naman pong masama yung loob ko diba? kasi kahit na alam ko naman kung gano mo ko ka-love dumarating pa rin yung oras na hindi ko pinaniniwalaan… hindi ko nararamdaman… hindi kasi ako mabait katulad “nya”… kaya feeling ko hindi mo na ko love… “sya” rin siguro ang favorite mo no? kasi “sya” yung laging sumusunod sayo… “sya” yung laging andyan para sayo… tapus “sya” yung perfect… at syempre ako yung kabaliktaran…
sorry ha. ayoko ng sabihing love kita kahit love kita… alam ko kasing ang sasabihin mo na naman eh if i love you i should love her too… kaya ko ba yun? ansakit sakit na kasi Lord eh. napapagod na kong maging ako. hindi ba talaga pwedeng mawala na lang ako? kaya mo namang gawin yun diba? ba’t ayaw mo pang gawin? ano bang purpose ko? bakit hindi na lang “sya” na rin yung gumawa? total naman “sya” yung parating magaling… o baka naman, ito na talaga yung purpose ko pagmukahain syang napakagaling? kasi syempre ano ba namang laban ko sa kanya diba? so sa tuwing magkasama kami, anghel sya… hayyy… ansaya. grrrr…
hayyy… papagalitan mo rin ba ko? pwede bang bukas na lang? o kaya sa isang araw? baka hindi lang tanggapin ng utak ko ngayon eh, sobrang sama pa kasi ng loob ko… kelangan ko lang sana ng makikinig… ikaw lang kasi yung alam kong makikinig talaga sakin… ikaw lang naman lagi yung andyan eh… ikaw lang yung hindi nanghuhusga sakin… ikaw lang yung tumatanggap sakin ng buo. salamat ha? uy… wag mo kong iiwan ngayon ha? hindi ko na talaga kakayanin to pag wala kana… ikaw lang naman eh. salamat sa time. salamat sa pag-unawa. uy… wag kang magsasawa sakin ha? kahit ganito ako… love kita. salamat sa love mo.
rurica +_+
“insecure?”
“oo.”
“bket nmn??? ahehe xenxa,late response”
awan nga ba sakin… i’m always comparing myself to others… it feels like everyone is comparing me to my sister.. and it sucks! tired of it.
i need a break from life… i’m tired of being me. i’m tired of being known as “her sister”. i need some air. kung pwede nga lang magtampo kay GOD eh… kung pwede lang i-question kung bakit kami yung naging magkapatid.. bakit ako yung panganay.. bakit di na lang sya? tutal naman sya yung “MAS”.. kung pwede nga lang… iyak na ko ng iyak…
halos every now and then na lang.. iniiyakan ko yang issue yang… VALUABLE nga ba ko? UNIQUE nga ba ko? LOVE nya nga ba ko? bakit hindi ko na nararamdaman… gusto kong balikan yung first love ko… pero takot ako.. takot na takot… takot na paulit-ulit na maramdaman na hindi ako enough.. na weak ako… na ganito ako.
gusto kong tumakbo.. tumakbo ng tumakbo… hanggang mapagod ako.. hanggang hind ko na maramdaman… gusto kong lumayo sa kanya.. yung malayong malayo… yung walang makakaalam na iisa ang dugo namin.. pero bakit hinahabol pa rin ako ng anino nya? bakit hanggang ngayon, takot pa rin akong ikumpara sa kanya… pagod na pagod na ko… gusto ko ng tumakas… dun sa lugar na wala ng makakakilala sakin… sa lugar na wala ng makakaalam na magkapatid kami…
sensya na.. wala lang ako makausap ngayon.. heheheh nadamay ka sa kadramahan ng araw na ito…
yan talaga pakiramdam.. ehhehehe
yun nga yung nakakainis eh… nakakaasar.. kelangan bang laging ipamukha sakin na loser ako… kung pwede lang mag mura… hayzt.
i ask GOD about it every now and then… tinatanong ko sya kung bakit ganun yung pakiramdam ko… alam ko naman na love nya ko pero bakit di ko na maramdaman… bakit lagi na lang “sya”??? sya na ang magaling! sya na lahat.. hayzt„,
sya na! sya na! sya na!!!!
kapag kilala kami pareho ang laging tendency eh ipagkumpara kami… kahit di pa sya kilala, icocompare na ko agad-agad sa kanya… lagi na lang ganun eh.. pagod na pagod na talaga ko…
hummmm.. ewan ko.. siguro gusto ko lang ng outlet… OA na nga eh.. lam mo bang konting comparison lang saming dalwa, iniiyakan ko na ng sobra.. yung tipong ” mas bagay yung damit sa kanya kesa sayo”… super self-pity na ko… hindi ko kasi maramdaman na AKO TO… na may halaga ako… na kaya ko…
ayoko namang magSELF-pity.. ayokong maINSECURE.. ayokong kaawaan ako… pero talaga… ang feeling ko wala akong worth…
everytime na kinocompare kami… nakakainis…
nakakainis… edi sya na…
sya naman palagi.. nakasanayan ko na rin naman… ang sama lang sa pakiramdam.. lagi namang ganun…
how can i?
people tend to compare us as if kilalang kilala nila kami… as if kilala nila talaga ko.. at kilala nila talaga sya… it really sucks.
nakakapagod maging kapatid si MISS PERFECT.
….
